WHEN THET SPEAKS: Unbounded.Uncensored.Unsuppressed.No Rules.No Non-Sense.

 
About this blog
No Holds Barred: A compilation of rants, raves, movie and book reviews, R & R escapades, relationships, office workloads, and stories to ponder. For this year, this is also going to be our wedding blog. Updates and Review on Wedding Suppliers will posted here...Honeymoon experience and other escapades will also be posted.
The Face Behind this Blog

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Stay Connected

Blogroll Me!

Holler Me Back!!!


Another Victim of Salisi Gang
Friday, December 14, 2007
It's not yet a week since I posted what happened to me regarding the Gateway incident and yet, there is another sis from w@w who had worse experience that I had. This time, it's in SM Quiapo. I am posting this story so that this won't happen to you, your friends or your family.

huhuhuhu!!!! mga sis, dapt sobrang ingat... ingat... kayo ngayon magpapasko..
kakabasa ko pa lang nun nakaraan ang post ni sis thet regarding sa mga salisi
gang ako din sa akin nangyari kagabi (12-12-07) 7:30pm sa me SM Quiapo..
pasensya na maglalabas lang ako ng sama ng loob ko sa management ng SM as in
sobrang bulok sistema nial, isip nga namin baka magkakasabwat sila. ganito un..
pagkagaling ko sa work dumiretso ako sa me SM kasi me bibilhin ako, kaya lang
nasa LRT pa lang ako na iihi na ako kaya pagkapasok ko sa SM diretso ako sa CR,
pasok ako sa cubicle. me lagayan ng bag sa me likod ng toilet nilapag ko ung bag
ko pero habang nagtatanggal ako ng sinturon nakaharap p ako sa bag ko tapos
saglit lang talaga as in saglit lang ako nakaupo pag tayo ko para ikabit ung
butones wala na ung bag ko di sigaw ako sabi ko san ang bag ko labas ako ng
cubicle sabi nun nasa me kabilang cubicle me kakalabas lang daw na babae
maabutan ko pa un. takbo ako sa me entrace/exit ng ng mall un
pinakamalapit sabi ko i-alert/i-radyo ung ibang guard kung pwede magcheck sa
mga exit.. aba di ako pinansin tapos balik ako sa cr kasi naiwan ko ung ibang
nabili ko dun sabi ng janitor dun at saleslady pang apat na ako sa loob ng 3
araw.. sabi ko pang apat na ako bakit di pa rin alerto ang management, tapos
sabi ko san ako pwede magreklamo o tumawag kasi kailangan ko maipablock ung mga
card ko... walang gusto sumagot kasi hinahahanp pa nila ung head security. takbo
ako sa me information me nakita ako dun na babae na nakablue (officer) sabi ko
san ako pwede makatawag o magreklamo, ang tagal as in 15-20mins bago ako
pinasama sa isang guard kung di pa ako nakakapukaw ng ibang customer sa SM dahil
umiiyak na ako.. ung officer todo xplain pa sa akin na first time daw mangyari
ung.. (helllooooo.... sabi kaya ng mga saleslady pang apat na ako) sabi ko sa
officer wala na ako magagawa at di ko muna kailangan ang xplanation nya ang
kailangan ko makatawag ako.. ang lintek na guard
sinamahan ako sa isang counter napakatagal tumawag mga 10-15mins na yata sabi
ko sa guard matagal pa ba magpaalam sa management para sa makatawag ako
naghahabol ako ng oras baka magamit ang mga card ko kasi me kaka issue lang sa
akin na AIG at Eastwest di ko pa natatanggal sa envelope baka kako magamit nasa
72,000.00 ang parehong limit nya baka mahimatay ako pag nagamit un. pati ung
ibang credit card pa na talagang niru-rush ko para makatawag pati mga ATM ko.
ung isa dun un join account namin ni poch di ko natanggal ung slip nun huling
nagcheck ako kaya kailangan mapawithdraw ko agad. ang mga nakuha sa akin ay
20,000.00 (kakawithdraw ko lang nun umaga para sana pampa opera ng father ko)
$300 (2003 pa ito sa wallet ko) Euro na 300 din( tagal na din ito) + ung mga id
+ N73 (kakaregalo lang as akin ng mga kapatid ko ito nun Oct. bday ko) at mga
documents... sa wakas 48years na sobrang tagal tsaka ako sinagot ng guard na
mam di po kayo pwede tumawag dito sabi po sa payphone
na lang kayo tumawag... sagot ko sa guard wala ako pera pantawag.. kaya tawag
uli sya sa officer sinabi nga wala ako pera.. me dumating isang babae uli na
naka blue(officer ng SM) tama ba sabihin sa akin na "Alam nyo ma'm kung tatawag
kayo sa labas na lang kasi di pwede ang outside call" --- bwisit talaga ako as
in na high blood ako sabi ko " Alam nyo mam nasan ang konsensya nyo, nanakawan
na ako ng bag nandun lahat ng pera ko ano ang ipambabayad ko sa payphone sa
labas ng SM at saka ano ba naman kayo nasa loob ako ng SM nawalan, kahit konting
pangkonsiderasyon man lang wala ako makita sa inyo, EMERGENCY kaya gusto ko
makatawaga agad" as in umiiyak na ako, dami na tao nakapaligid sa akin nagagalit
na rin un ibang customer sa mga officer ng SM tapos me naawa sa akin na manong
kinausap ako binigyan ako ng 20.00 tawag na daw ako sa labas. takbo ako agad sa
labas tumawag ako sa bahay, kapatid ko nakasagot sabi ko tawagan lahat ng
hotline sa creditcard ipa block na (alam nila
ung mga card ko dahil sila talaga gumagamit- extension ko sila), tinawag ng
sister ko ung mother ko sabi nga umiiyak ako kaya ako kinausap ni mama sabi ko
na nakawan ako tapos ayaw nila ako patawagin galit na galit mother ko..
pagdating nila sm hinhanap ung guard at ung isang officer na nagtaray sa akin..
ayaw nila magsalita (tinatago nila), ung pamangkin ko pinapatahn na ako sabi sa
akin "Bayaan mo na tita wag ka na umiyak, ibibili na lang kita ng bagong bag at
cell pag laki ko kaya lang antay mo muna ako magtrabaho" natawa ako kasi 4 yrs.
old pa lng sya... si poch tinext ng sister ko na nakawan nga ako sa sm at
umiiyak nagreply si poch na nasa sm nga ako kasi nagtxt ako sa kanya. pero alis
agad si poch sa bahay nila para puntahan ako sa SM (nakuha ni poch ng less than
30 mins. mula San Juan to SM, akala nasaktan ako). pagdating poch sabi na nga
lang nya na wag na ako umiyak kasi pwede pa daw kitain ung nawala na pera, pasa
diyos na lang namin.. report kami sa pulis, 2
ang pinuntahan namin Police station ung isa para ipa blotter ung isa naman para
makakuha ako ng Police Report na ipre-present ko sa mga kukuhanin ko uli na
bagong id's nun marinig nung sa investigating section kwento ko nagmura sya ng
"P****ina, mukhang magkakasabawat itong mga janitor at security ah" ayun... kaya
mga sis... maging sobrang ingat na lang tayo, hanggang maaari wag na natin
tanggalin sa mata natin ang bag :) tanga ko lang sobrang ingat ako sa labas ng
sm, sa jeep, kalsada, sa loob pala ako ng SM mananakawan.. nakaka strike 2 na sa
akin ang SM nun Oct din sa SM North naman un muntik na mabuksan bag na nandun
din wallet at pambili ko cell ng parents namin -- nakaligats sa SM North wallet
ko, sa SM Quiapo buong bag ko nakuha.

Tarantado din ang security ng SM Quiapo noh. I am blessed pa rin pala kasi miski papano, CBTL people and Globe people were very alarmed and concerned of what happened to me. They allowed me to use their phone for over an hour.

Please, please...konting ingat lang po.

Labels:

posted by ruther @ 1:42 AM  
2 Comments:
  • At 12/14/2007 3:26 AM, Blogger bb_ANN said…

    hayyy grabe tlg yan! may experience din ako sa SM DASMA nman nadukutan ako ng wallet buti ung coin purse ko ang nakuha may 5,000 na laman ung isang kong wallet 10,000 and laman...hayyy pero d nako nagsumbong dahil ksama ko mga pinsan ko nagpapanic n agad..umuwi nlng akong luhaan..palpak security nila khit sa mall dami n din pickpocket...mga leche d nlng magtrabaho ng marangal!

     
  • At 12/14/2007 4:05 AM, Blogger Tom said…

    An officemate was a victim of "laslas" gang in 168 Store in Divisoria. Doble ingat lang.

     
Post a Comment
<< Home
 
// Start hit counter code for BlogPatrol.com var data = '&r=' + escape(document.referrer) + '&n=' + escape(navigator.userAgent) + '&p=' + escape(navigator.userAgent) + '&g=' + escape(document.location.href); if (navigator.userAgent.substring(0,1)>'3') data = data + '&sd=' + screen.colorDepth + '&sw=' + escape(screen.width+'x'+screen.height); document.write(''); document.write(''); document.write(''); // End hit counter code for BlogPatrol.com // -->
About Me
Name: ruther
Home: Ontario, Canada
About Me: *25-something faggot *proud pinay *business degree imbecile *iskolar ng bayan *former student activist *call center quality assurance supervisor* former DELL computer technician* *prefers grave yard shift rather than day shift job *doesn't drink nor smoke *koreanovela sucker *lead guitarist *internet-holic *bossa nova aficionado *KFC extreme hot shots lover *imago's fan *sydney bristow apprentice(wish!) *gil grissom struggling student(talk about being geek!) *jack bauer's love interest(another wish!) *michael scofield's savior(get real!)* avid follower of jerry bruckheimer *soon-to-be-bride of a very wonderful groom.
See my complete profile
Previous Post
Archives
Tambayan
I DISCLOSE
Powered by

Free Blogger Templates

© 2006 WHEN THET SPEAKS: Unbounded.Uncensored.Unsuppressed.No Rules.No Non-Sense. .Template by Isnaini Dot Com