WHEN THET SPEAKS: Unbounded.Uncensored.Unsuppressed.No Rules.No Non-Sense.

 
About this blog
No Holds Barred: A compilation of rants, raves, movie and book reviews, R & R escapades, relationships, office workloads, and stories to ponder. For this year, this is also going to be our wedding blog. Updates and Review on Wedding Suppliers will posted here...Honeymoon experience and other escapades will also be posted.
The Face Behind this Blog

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Stay Connected

Blogroll Me!

Holler Me Back!!!


Can you afford it, MA’AM?
Tuesday, June 26, 2007

It’s sooOOO funny how Filipinos would react/treat somebody according to someone’s appearance. More often than not, I find it really frustrating that some of us, (Yes, I used the pronoun us-because that includes me, sometimes) judge a person’s capability/status in life according to how a person speaks English, the way a person dresses up or sometimes, just because of one superficial aspect- the physical features. I thought that Filipinos are only being treated as third-class citizens in other countries but the truth hurts. Even here, we experience that kind of "discrimination"

This Sunday, Mark (my brother) and I went to SM Fairview to apply for a SUN CELL barkada plan (or what ever it is).

Teka nga, nose-bleed na ako..tatagalugin ko na nga lang. Utang-uta na rin kasi si atashi kaka-monglish sa office. (Saka, Policy ko naman yun talaga sa buhay. Kung pinoy kausap mo, magtagalog ka. Kung nagsusulat ka ng journal na alam mong may magbabasa na porenjer o di kaya magre-report ako sa boss na puti, chempre, dapat monglish-monglishan ang drama ni atashi.)


Ayun nga, gora kami sa SM Fairview para mag apply ng SUN CELL post paid. Ako kasi, naka post-paid na sa globe (may extension plan ako kasi si ate, kelangan ng post-paid pag bumabyahe abroad.) Plan 999 sana kasi gus2 ko meron ding post paid si ermats and erpats para unlimited text/calling na nga. Nung una, naburyong na ko sa tagal ng queue. Sabagay, Sunday naman kasi so wala ng bago dun. Heto na, number 12 kasi nakuha naming queue ticket. Pagtick ng number 12, naupo na kami sa customer service desk, binigay ko na lahat ng papers- original tsaka ung photocopy. Ni-xerox ko nasa haws kasi ung mga pertinent docs kasi ayoko nga ng natatagalan dahil sa pagpapa-photocopy. Tapos, may I ask si CSR, "What plan are you going to subscribe?" Sabi ko, "Yung plan 999 sana.Yun kasi gus2 nitong utol ko."

Ewan ko lang kung maldita lang talaga ako at masama kagad iniisip ko pero di ko gus2 ung ginawa nung CSR kasi tinignan nya ung suot ko. Mejo na-offend ako. Parang si "mamita" ng Flordeluna kung makatingin. LOL nakakatakot. Feeling ko, "nani-nino" si tukmol. Parang gus2 nya kong tanungin kung afford ko ba ang isang libong post-paid plan sa isang buwan. Ampotah naman kasi. Naka shorts lang at t-shirt lang ako. Ung tshirt ko eh may butas pa sa sleeve. Tapos ung tsinelas ko eh beach walk na galing sa palengke, ni hindi nga havaianas. Pero kebs ko? Di naman kami magtatagal sa Mall. Eh. Matagal na nga ung 30 mins tapos uwi na din kami kaya din ako nag-effort pa na mag bihis. Saka ganun naman talaga ako eh. Simple lang talaga. Magsu-suot ako ng kung ano ang komportable para sa akin. Wenihoo, balik tau dun sa CSR. Lahat ng kelangan papeles, andun na: ITR, 2 payslips, credit card statements and 2 valid ID. Ewan ko kung ngengot lang si CSR kasi parang ung credit card statement lang tinignan nya. Taposs sabi eh.

CSR: Ma’am, do you have any other credit cards?
Thet: Oo. Standard, HSBC and Citibank.
CSR: AhhhhH ok. But do you have any other credit cards that has a credit limit of more than 50k?
Thet: Wala eh. Metrobank Femme and Standard lang parehong 49k. Pinakamataas na credit limit ko na yun. Di naman tayo big time eh.. hehehehe (smile pa ko nyan!)
CSR: oh ok. For the meantime ma’am, you are only qualified for the 899 plan.
Thet: Bakit?
CSR: HmMmmm, for Plan 999 our required minimum credit card limit is 50k and for the monthly salary, it should be a minimum 20k.

(mejo tumaas na kilay ko dito.)

Thet: Ok. I got that. So what seems to be the problem here?
CSR: Ma’am, you only got 49k credit card limit and your monthly salary is just 17.5k.
(Susuntukin ko na sana ‘tong rep na ‘to sa sobrang katangahan eh. Kelangan pa yatang sampalin ng talong bago magising sa katotohanan.)
Thet: Again, I got your point there and I am not deaf. But can you please take a closer look at my pay slips?

(Nag monglish na si atashi at sinamahan ko na ng accent. Nabuburat na talaga ako sa kausap ko)
Nung una, kala ko ok na. Pero may hirit pa si CSR.

CSR: Do you have any other pay slips?
Thet: In fact, I do. I brought my 3-month payslips so which month would you like to have?
CSR: Isa lang po from last April (aba! Marunong din naman pala magtagalog si kulangot!)


(After a few seconds of checking my payslips and my ITR).

CSR: Ma’am pasensya nap o. kala ko kasi one-month na ung salary na 17.5k. Di ko po nakita na semi-monthly pala ung nakalagay sa payslip nyo.

AhhHHh stupid !!! Gusto ko sana sabihin "tsong,adik ka ba?"

Si bunso, matagal bago magalit/mainis yon (di katulad ko na laging hi-blood). As in it takes a lot before he can be pissed-off. Panaka-naka lang kung mabiwist. Pero nung mga oras na yon habang wala si CSR sabi nya, "Ikaw kasi ate eh, sana dinala mo na lang ung bill mo sa globe para wala ng tanong-tanong." Eh wala eh, burara ako sa bills, basta nagbabayad ako on time, keri bells na. Pagdating ni CSR, tanong ulet si bro. Mejo caught-off guard ako sa tanong nya.

BRO: ate, magkano bill mo last month?
Thet: huh? Ahh ehhh di ko na maalala eh 3,400 yata.

Di ko alam kung ano ung purpose ni bunso bakit kelangan nya magtanong ng ganun. Pagdating sa kotse, "Gago yun ah…kita mo reaction nya pagkasabi mo magkano last bill mo? Nakatingin sya sayo. Parang di naniniwala. Kala nya kasi galing kang ‘iskwater. Kasi naman next time, magsuot ka naman ng mas maayos."

Nampotah. Salamat huh! Kala ko pa naman pagtatanggol ako. Yun pala, sasabunin din ako. Feeling nya daw kasi, pati sya napahiya. hHhmMpP! wenihoo, wala pa rin akong paki. Basta ako, isusuot ko kung anong gus2 ko- as long as wala akong utang, wala akong pinperwisyong tao, good-good ako. Hindi naman ako mayabang pero kung tatanungin nya ko straight into my face kung afford ko ba, eto lang ang sasabihin ko "PAKSHET KA!"



posted by ruther @ 11:18 AM  
16 Comments:
  • At 6/26/2007 10:55 PM, Blogger ♥ mommy author ♥ said…

    ay sarap upakan mga ganung tao! paksyet silang lahat! :) buti na lang at medyo nakapagtimpi ka pa sis.. :)

     
  • At 6/27/2007 1:03 AM, Blogger Mec said…

    may ganun talaga... and ganun talaga tayo :) wehehehe...

    tatay ko laging mukhang iskwater talaga... minsan, pati ice cream ayaw sya agad-agad bentahan ng tindahan sa kanto namin :D baka nde nya daw afford yung isang galon :D tas maloloka na lang yung tindera pag nakita nyang bulging in cash ang sira-sirang wallet ni Papa...

    howell...

     
  • At 6/27/2007 1:23 AM, Blogger Misterhubs said…

    What a bad experience.

     
  • At 6/27/2007 4:06 AM, Anonymous Anonymous said…

    nyahahahaha!
    ano ba yun.. wahaha.. nakakatuwa ka naman miss thet.. saka bilib din ako sayo, yun nga.. we people do judge others on how they look.. first impression kamo.. tsk tsk..

    pero ayun, galing mo maam! :D

     
  • At 6/27/2007 5:03 AM, Blogger Joy-Joy said…

    tama ang obserbasyon mo thet. ilang beses ko na rin naranasan ito. one time, pinadala kami ng company at tumuloy sa isang 5 star hotel jan sa makati, e syempre alam nilang galing kaming probinsya. pucha 1/2 star ang service na ibinigay sa amin. ang tataray pa ng mga staff at kung makatingin, para ring si mamita lol. sa pagsa shopping din, minsan mga saleslady sa mga high end botique titingnan ko or para bang ina-assess kung afford mo ang mga binebenta nila. minsan natatawa na lang ako.... kesa naman mainis. alang kwenta.

     
  • At 6/27/2007 9:32 AM, Blogger macy said…

    sama talga ugali ng mga CSR sa sun. i remember dati i went to galleria to buy shoes. i was wearing shirts and shorts lang ang mga saleslady ayaw kumuha ng size. feeling ata trip ko lang na guluhin sila at mgasukat ng shoes.

     
  • At 6/27/2007 10:52 AM, Blogger ruther said…

    to kathy: oon ga eh... talagng super ang pagtitimpi ko kung di makakatikim sa akin ng flying kick yun!

     
  • At 6/27/2007 10:53 AM, Blogger ruther said…

    to mec: hahahahahah!!! ewan ko ba samga pinoy..talaga yatang ganun. di nila alam kung sino ung mga mukhang gusgusin, yun ang mapepera...LOL

     
  • At 6/27/2007 10:54 AM, Blogger ruther said…

    joy-joy...LOLz sinabi mo..kami one time (agent pa ko nun), nag team building din sa westin, tapos nung credit card ung binabayad nung TL ko, parang duda pa na fraud ung account namin... har har har!

     
  • At 6/27/2007 10:55 AM, Blogger ruther said…

    to macy: madalas din mangyari sa akin yan sa department store. tapos di ba, parang nakasimangot pa nga slaes lady kung minsa... sarap sipain eh..

     
  • At 6/27/2007 6:30 PM, Blogger QT said…

    hi thet. i had an experience with a customer service rep, medyo similar to yours. porke tinatagalog ko, panay naman ang english. nung inenglish ko na, saka nag tagalog. haha!

     
  • At 6/28/2007 12:00 PM, Blogger Unknown said…

    hahaha naku meron talagang mga CSR na ganyan. But natawa ako lalo sa reaction ng kapatid mo. Reminds me of my brother din hahaha! Kung di lang kapatid inupakan mo na hahaha!

    Taga Fairview ka ba? Taga Fairview kasi ako hehehe.

     
  • At 6/29/2007 2:47 PM, Blogger Russell said…

    highblood ka nanaman, kung kasama mo ko at nagwala ka ng ganito... magCCR lang ako beh ha? lol

     
  • At 7/01/2007 2:27 AM, Blogger Mitch said…

    Madami talagang ganun tao sa paligid-ligid hehe! Ganyan din ako, mabilis mang-away!

     
  • At 7/02/2007 5:43 AM, Blogger Tami said…

    hay naku. nakakagigil talaga. dapat tinuturuan ng matinding customer service yan!

     
  • At 11/10/2008 7:06 AM, Anonymous Anonymous said…

    Good post.

     
Post a Comment
<< Home
 
// Start hit counter code for BlogPatrol.com var data = '&r=' + escape(document.referrer) + '&n=' + escape(navigator.userAgent) + '&p=' + escape(navigator.userAgent) + '&g=' + escape(document.location.href); if (navigator.userAgent.substring(0,1)>'3') data = data + '&sd=' + screen.colorDepth + '&sw=' + escape(screen.width+'x'+screen.height); document.write(''); document.write(''); document.write(''); // End hit counter code for BlogPatrol.com // -->
About Me
Name: ruther
Home: Ontario, Canada
About Me: *25-something faggot *proud pinay *business degree imbecile *iskolar ng bayan *former student activist *call center quality assurance supervisor* former DELL computer technician* *prefers grave yard shift rather than day shift job *doesn't drink nor smoke *koreanovela sucker *lead guitarist *internet-holic *bossa nova aficionado *KFC extreme hot shots lover *imago's fan *sydney bristow apprentice(wish!) *gil grissom struggling student(talk about being geek!) *jack bauer's love interest(another wish!) *michael scofield's savior(get real!)* avid follower of jerry bruckheimer *soon-to-be-bride of a very wonderful groom.
See my complete profile
Previous Post
Archives
Tambayan
I DISCLOSE
Powered by

Free Blogger Templates

© 2006 WHEN THET SPEAKS: Unbounded.Uncensored.Unsuppressed.No Rules.No Non-Sense. .Template by Isnaini Dot Com