About this blog |
No Holds Barred: A compilation of rants, raves, movie and book reviews, R & R escapades, relationships, office workloads, and stories to ponder. For this year, this is also going to be our wedding blog. Updates and Review on Wedding Suppliers will posted here...Honeymoon experience and other escapades will also be posted. |
The Face Behind this Blog |
|
Stay Connected |
Blogroll Me! |
Holler Me Back!!! |
|
|
|
So near yet so far.... |
Sunday, August 05, 2007 |
Two months na lang..I mean two months pa! Leche, ano bang nangyayari sa 'ken ngayon? Nakatagal na ko ng 16 na buwan pero inip na inip na ko sa dalawang buwan. Gusto kong umiyak pero mukha naman akong gago pag ginawa ko yun. Gusto kung gumimik pero alam ko mabo-bored lang ako bigla. Kapag nasa kwarto naman ako, ang lungkot-lungkot. Kapag naman tinapa ang munti kong acoustic na gitara, ikaw naman ang naalalako. Nami-miss na kita. Pero kapag kausap naman kita sa telepono o kausap sa YM, iritable naman ako. Kapag andito ka, hindi tayo nag-aaway. Pero kapag malayo ka na, hindi lalagpas ang isang linggo na hindi kita 'inaaway'. Ano ba ito?!!!??? ANAK NAMAN NG TINAPA! Pati ako, nahihirapan ispelengin ang sarili ko, pakshet! Alam ko mahirap intidihin ang babae, pero babae naman ako. bakit kaya hindi ko rin maintindihan ang sarili ko? Nababaliw na nga yata ako. I wanna ride a roller coaster and scream out loud!!!!! OO, alam ko ang labo ko. May saltik na nga yata ako. Pero alam ko din, mahal mo naman ako kahit ganito ako ka-abnormal di ba? Wag mo na i-decipher kung ano nasa utak ko. Magkaiba naman kasi wavelength pag-iisip natin. Basta pabayaan mo na lang muna kung nag-iinarte na naman ako ngayon. Lilipas din 'to.
Naalala mo pa ito? 2 years ago, sabi ko sa 'yo nun masakit ang ulo ko kaya kantahan mo ko. Nung kumunta ka naman, nainis na mejo natawa ako kasi SINTUNADO ka. Ngayon naman, hinahanap-hanap ko ang ang pagkanta mo. Sabi mo ka-boses mo si Rico Blanco. Ang sabi ko naman, hindi mo sya ka-boses kung di kamukha mo sya kasi pareho kayong ma-pimple (NOON yon...) Miski wala sa tono, mapagti-tyagaan ko. Basta sana andito ka, nakikita ko kung pano ka kumakanta at dalawa tayong tumutugtog ng gitara.... Malayo pa ba ang October? Wag mo kong pagtawanan. Di naman ako nakabatak. Di rin ako adik. Alam ko naman ang sagot sa tanong ko. Naiinip na lang talaga ako. Isang milyong tupa na ang nabibilang ko. Pati directory ng Bayantel, nabasa ko na ng buo. Wala na lang talagang magawa. Pede kayang bumili ng oras? Labels: Relationships, Russell and Thet |
posted by ruther @ 10:08 AM |
|
15 Comments: |
-
two months is worth the wait if its for someone special. when i left for NY back in 2002, glenn and jenna waited 2 years bago ko ulit sila nakita. mahirap.. the long distance thing.. but in the end you'll realize that you get to appreciate how important a person is to you pag malayo siya sayo. and with this pregnancy, i just can't wait for it to be over kahit na 3 weeks na lang hihintayin ko. pero, eto pa rin ako, still patiently waiting na lumabas si gavin. isipin mo na lang na everyday until october na di mo siya kasama makes you want to see him even more. :)
-
Medyo natuwa ako sa binasa ko ah.. You remind me of myself dyan, madalas ko ring inaaway ang mahal ko pag magkalayo kami, di mapakali, nagpapapansin, pakipot, parang baliw na ewan. Hirap talaga ng namimiss mo ung tao.
Konting tiis na lang. BTW, ang cute nyong tingnan sa pictures nyo thet :)
-
i cant believe pinost mo tong mapimple kong pic. lol.
beh, alam ko mas mahirap yung naghihintay pero yun lang naman magagawa mo for the meantime. Ganun naman ako, naghihintay sa paguwe ko. I promise ill make it up with you like what i always do. ;-)
-
ok lang yan beh...me pimple din naman ako jan eh..
saka pag uwi mo, spa at parlor tayo huh... awWwwwWw! girl bonding (tapos saka na tayo mag beerhouse...LOL)
-
thet, mabilis nalang ang 2 months! i can feel your sentiments because we were in a long distance rel din before we got married. hirap but it makes the love more bittersweet! hanep! haha!
-
hehe! yun naman pala eh...malapit na yung 2 months..parang summer vacation ng mga students.
konting ingat lang at paghandaan ang pagdating ng itinakdang panahon..wehehehe!
-
naman.. for d past weeks khit ako di ko rin maintindhan ung sarili ko. mooody. ambivalent.ewan.sinisisi ko n nga lahat ng hormones ko eh.
-
uy excited! ang sweet ng photos! ganda! ganda!
hmmm. ano kaya feeling ng ikakasal... hmmmmmmmmm.. *wondering*
-
waaahhh! malapit na ang ocrober mare, esp pagsapit ng ber months...before you know it, tantantanan tantantanan na ang background song mo... uy!!!! :)
ngapla, is it real ba yng coupon codes? opp ko din yan sa PPP eh, may $150discount nga? :) enlighten me bakla! :)
-
wahhh wow namiss ko ata noong bf ko pa ang hubby ko hahahha!! malapit na oktubre:) tc always:)
-
tanong. anong meron sa 2 months? XD
peace....:D
-
aww .. away na naman po ba miss thet? toink .. good luck po! i'm sure you'll get through that, patient naman si russel mo eh .. hehe .. kakainggit nga po kayo eh .. ^^,
-
hi girl. ngayon lang ako uli nakapag basa ng mga blogs. kainis. anyway, mahirap man at IMPOSIBLENG matanggal sa isip mo yung paghihintay, i-try mo gumawa ng ibang bagay para kahit paano di mo laging naaalala.
Ay, hindi, alam ko talagang kahit anong gawin mo, di mo rin makakalimutan kaya siguro tanggapin mo na lang. malapit lapit na rin naman yun. o, 7 days na nga lumipas sa august diba?
kaya yan.. mwah!
-
Konting tiis pa. Mahaba man daw ang prosisyon, sa honeymoon din ang tuloy. Ingat and try to relax. Ganyan din ako before my wedding. Kahit lalaki, ninenerbiyos din. Hahahaha.
-
awww... nakakarelate ako sa impatience na nararamdaman mo, ganyan din kasi ako! di bale, i know its easy for me to say this, pero konting tiis na lang! lapit na ang october =D
|
|
<< Home |
|
|
|
|
About Me |
Name: ruther
Home: Ontario, Canada
About Me: *25-something faggot
*proud pinay
*business degree imbecile
*iskolar ng bayan
*former student activist
*call center quality assurance supervisor* former DELL computer technician*
*prefers grave yard shift rather than day shift job
*doesn't drink nor smoke
*koreanovela sucker
*lead guitarist
*internet-holic
*bossa nova aficionado
*KFC extreme hot shots lover
*imago's fan
*sydney bristow apprentice(wish!)
*gil grissom struggling student(talk about being geek!)
*jack bauer's love interest(another wish!)
*michael scofield's savior(get real!)*
avid follower of jerry bruckheimer
*soon-to-be-bride of a very wonderful groom.
See my complete profile
|
Previous Post |
|
Archives |
|
Tambayan |
|
I DISCLOSE |
|
// Start hit counter code for BlogPatrol.com
var data = '&r=' + escape(document.referrer)
+ '&n=' + escape(navigator.userAgent)
+ '&p=' + escape(navigator.userAgent)
+ '&g=' + escape(document.location.href);
if (navigator.userAgent.substring(0,1)>'3')
data = data + '&sd=' + screen.colorDepth
+ '&sw=' + escape(screen.width+'x'+screen.height);
document.write('');
document.write('');
document.write('');
// End hit counter code for BlogPatrol.com
// -->
Powered by |
|
|
two months is worth the wait if its for someone special. when i left for NY back in 2002, glenn and jenna waited 2 years bago ko ulit sila nakita. mahirap.. the long distance thing.. but in the end you'll realize that you get to appreciate how important a person is to you pag malayo siya sayo. and with this pregnancy, i just can't wait for it to be over kahit na 3 weeks na lang hihintayin ko. pero, eto pa rin ako, still patiently waiting na lumabas si gavin. isipin mo na lang na everyday until october na di mo siya kasama makes you want to see him even more. :)