WHEN THET SPEAKS: Unbounded.Uncensored.Unsuppressed.No Rules.No Non-Sense.

 
About this blog
No Holds Barred: A compilation of rants, raves, movie and book reviews, R & R escapades, relationships, office workloads, and stories to ponder. For this year, this is also going to be our wedding blog. Updates and Review on Wedding Suppliers will posted here...Honeymoon experience and other escapades will also be posted.
The Face Behind this Blog

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Stay Connected

Blogroll Me!

Holler Me Back!!!


Dumpsite
Saturday, July 07, 2007

(Ito ay mejo gross story..so kung mejo mahina ang sikmura sa kwentong ebak, wag na po magbasa...lol)


I am not really in mood for artistically composing a sensible post ...I can't help but shake my head when ever I remember this incident.


As my team and I would often go to Ortigas week end market (talk about team bonding), talagang lamon talaga to the max ang agenda bukod sa mala-Piattos na commercial na nanglalait ng mga dumadaan sa kalye (maldita talaga ng mga bakla...LOL) . Hindi nga ako kumain ng lunch and puro candy at tubig/kape (NOTE: Nescafé lang po at di starbucks) lang dahil gus2 ko talagang magpaka gutom pag andun para maka-laps atashi ng bongga.


FOOD TRIP- ganun lang naman ang drama ko sa week end market..di ako bumibili pa ng kung anik-anik kasi kaya ko namang sikmurain ang init at antot ng divisoria (in fairness super love ko ang 168 mall!) kaya ang policy ko talaga eh dun na ko bibili ng mga damit o shoes na gus2 ko. What did I have last saturday?---- 1 big cup of Green Mango shake (Fruitas), 1 order ng potato salad, 1 order ng lechon kawali w/rice, 1 order ng lumpiang sariwa, 1 big scoop of ice cream, 4 pcs ng takuyaki... di naman ako mashadong matakaw noh?! eh wala lang...sarap kasi ng kain ko kapag kasama ko ang mga bakla. feeling ko, kailangan ko ng catalyst sa brain cells para di napag iiwanan sa kwentuhan.


We were in the market from 430 to 8:30. Sabi ng mga beck-beck, gus2 daw nilang mag inuman at mag karaoke sa MARU. eh juice ko day...sobrang nagpipigil lang ang wetchaks ko dahil feeling "knowck knock knocking on heaven's door" na ang produkto ng mga nilamon ko kaya di ko na kaya pang mag nomu. talagang kakailangan ko na ng toneladang imodium kapag uminom pa ko ng alcohol. para naman di nila masabi na KJ ang team leader nila, nagwalkathon ako pabalik ng office para umechas (para pagpunta ng Maru eh ok na ang matagal ko ng "kinikimkim"). Talagang pagbalik sa office ang nging drama ko kasi wit ko bet ang umerna sa 7/11 o sa jollibee. Dun na lang sa office tutal, 30 steps lang ang layo ng week end market sa opis.


Step no. 28...29...30! sa wakas! nasa facade na ko ng building. Ung ibang mga QA, takang-taka bakit daw ako bumalik sa opis eh anong oras na kaya?! kumusta naman! when Ian (QAA) asked me, "Why are you still here?!" I answered him straight into his eyes, without batting my eyelashes "Tatae lang ako 'tsong!" sabay karipas ng takbo... I could still hear the echo of his laugh all the way to the elevator. Alam kasi ni Ian na di talaga ako ume-erna sa opis (ayaw lumabas kapag di sa banyo ng bahay namin ang "meeting place") kaya alam nyang sobrang "e na e" na ko kaya papatusin ko miski CR sa opis.


after 5 mins (bilis lang noh!), success!!! I regained my composure pagbaba ko lobby. Ngiting aso lang si Ian. Hehehehe.ako din, natatawa ako sa sarili ko. Buti na lang at may baon akong tissue kaya di ko na kelangan pang maghanap ng ticket sa bus (Naalala mo ung commercial na ito?) LOL


3...2...1. ayan, nakabalik na ko sa table namin sa week end market. Kala ko gora na kami sa maru kaso ang linte, 250 per head...ano ka va?!!! mahalia mendes mashado yan...eh di naman mashadong bongga ang facilities. mas bet ko pa ang kumanta sa karaoke sa arcade ng mega..LMAO dahil 9:30 na nagsisimula nang malusaw ang katawan ng mga bakla, kelangan na naming mag pack-up. Uwian time na. Si Marianne (ang pretty kong QA) eh biglang naghanap ng CR. puputok na daw ang pantog nya. Ang laking dilemma namin kung san sya wi-wee wee...sa 7/11? sa kfc? babalik sa opis? eh dahil mejo burgis si Marianne, naisip ko none of the above ung choices nya. Dahil maglalakad din lang namin papuntang Podium (sasakay kami ng FX papuntang crossing), sabi ko, dun na lang sa Strabucks. Kaya lang si ateng, nag reality check..hello? starbucks? eh wala namang bibili sa atin sa starbucks. Dyahe naman na isa kaming pulutong na naghihintay sa kanya sa labas.

Isip-isip... ah huh! alam ko na! sa Discovery suites na lang!(dati kasi akong nagwork sa Ambergris eh dun ung site na na-assign ak kaya alam ko pa rin ang pasikot-sikot though ni minsan di ako nakigamit ng banyo sa lobby ng DS..ngaun pa lang hehehehe) mas konti pa lalakarin namin. Biglang humirit ang malanding "Josh, makiki ihi ka lang sa Discovery Suites pa huh! Bongga mashado yang kipay mo." Hihirit sana ako kaso naramdaman ko, may umaalon na naman sa sikmura ko..shet! natatae na naman yata ako...ohHhH God, why me?!!! mabait naman akong tao...LOL so ang nangyari, pumunta kami sa Disovery Suites. To hide our real agenda, nag monglishan talaga kami para di kami agaw pansin sa mga bellboy.

Sa CR,-- after 3 minutes, tapos na si Marianne. Tapos sumunod si Lyza. Tapos...tapos ako na! Lintek na food trip yan. Di ko ayang i-describe kung anong klaseng human waste ang nailabas ko. (ayoko na ding i-describe kasi mashado ng kadiri yon) Basta, imagine mo na lang na kinailangan ko pang mag spray ng perfume para lang mag stabilize ang amoy sa banyo.

Kaya lang ang mga bakla, bigalang nagsabi na, "oy next time, samahan mo din kami sa Ambergis. Dun ko gus2 umerna....".... waaAaaAaaaaahHhhH!!! letsugas talaga ang mga talipandas. (Buti na lang at wala kaming week end market session this saturday morning dahil pupunta kami ng gay bar. ahahahayYyYyY!!!!)


posted by ruther @ 9:12 PM  
2 Comments:
  • At 7/08/2007 1:41 AM, Anonymous Anonymous said…

    hahahaha!
    kaebakan!
    woot wooot!

     
  • At 7/09/2007 4:49 AM, Blogger ♥ mommy author ♥ said…

    hahahaha! sosyal ang place ng pag-erna mo mare! :) kakatuwa talagang makasama ang mga kutaterang baklitas ng mundo! mereseng walang anda ang drama keri lang basta masaya! sama sama hanggang kubeta! :)

     
Post a Comment
<< Home
 
// Start hit counter code for BlogPatrol.com var data = '&r=' + escape(document.referrer) + '&n=' + escape(navigator.userAgent) + '&p=' + escape(navigator.userAgent) + '&g=' + escape(document.location.href); if (navigator.userAgent.substring(0,1)>'3') data = data + '&sd=' + screen.colorDepth + '&sw=' + escape(screen.width+'x'+screen.height); document.write(''); document.write(''); document.write(''); // End hit counter code for BlogPatrol.com // -->
About Me
Name: ruther
Home: Ontario, Canada
About Me: *25-something faggot *proud pinay *business degree imbecile *iskolar ng bayan *former student activist *call center quality assurance supervisor* former DELL computer technician* *prefers grave yard shift rather than day shift job *doesn't drink nor smoke *koreanovela sucker *lead guitarist *internet-holic *bossa nova aficionado *KFC extreme hot shots lover *imago's fan *sydney bristow apprentice(wish!) *gil grissom struggling student(talk about being geek!) *jack bauer's love interest(another wish!) *michael scofield's savior(get real!)* avid follower of jerry bruckheimer *soon-to-be-bride of a very wonderful groom.
See my complete profile
Previous Post
Archives
Tambayan
I DISCLOSE
Powered by

Free Blogger Templates

© 2006 WHEN THET SPEAKS: Unbounded.Uncensored.Unsuppressed.No Rules.No Non-Sense. .Template by Isnaini Dot Com